ewan ko kung nananadya talaga ang pagkakataon…hindi kasi maganda simula ng araw ko ngayon:
- una hindi maganda gising ko..
- sunod naman nakadagdag pa kasi umuulan.
- tapos pagbukas ko ng FB ko..yan ang bumulaga sa akin…
- dagdagan mo pa na ang kanta sa player ko ay nakakasenti…putik…
kompleto na lahat ng kailangan para makapagsenti….ewan ko ba..matagal mo ng tinapos kong ano ang meron tayo noon….matagal na..kaya akala ko ok na..pero nung nakita ko yung status mo…ayon narealize ko MASAKIT pa pala….ang aga-aga naku naman…..i dont want to make it a big deal….yun..masakit lang talaga…
i thought i knew you….
- someone i can trust
- someone i can lean on
- someone who can understand me
- someone who will stand by my side…
akala ko ikaw yung ”SOMEONE” na yan pero hindi pala….
akala ko ikaw yung taong kilalang-kilala ko na pero hindi pala….
habang naghihintay ng verdict ito mga napansin ko…
bakit kasi hindi na lang isa na lang ang magsabi kung anu talaga ang hatol nila…pinatatagal pa…sino ba naman ang hindi maasar o mababanas sa kanila….
- yung iba nakatunganga pero alam mong hindi nakikinig..
- may gumagamit ng cellphone.
- merong pinaglalaruan yung kamay nila.
- merongkungwari nakayuko pero natutulog na..
- meron din tao na halatang mong inaantok pero pinipigilan.
- meron pang tinitignan yung natutulog..
wag na dapat pa kasi patagalin..nagmumuka lang kasing mga ewan yung nakikinig sa mga senador….pawang palabas lang sila..nakabarong at amerkana pa…uupo at matutulog lang naman ang aatupagin….
”when in doubt, throw it out”
”when in doubt, throw it out principle”
example:
meron kang nakita na isang instrument sa operating room, pero hindi ka sure kung malinis ba ito o hindi….mas maganda na idiscard mo ito kesa gamitin pa…
isa ito sa mga pinakamahalagang principle sa OPERATING ROOM na sa tingin ko hindi lang sa O.R. natin pwedeng magamit kundi sa totoong buhay din…kasi nga diba kung meron hindi ka sigurado sa desisyon mo o sa mga ibang bagay edi mas maganda na lang na itapon mo ito at piliin mo kung saan ka sigurado…dahil gagawin lang nitong magulo ang buhay mo…so why suffer? diba….







